27SEP11 : PHILIPPINE AIRLINES AND GROUND WORKERS : NAIA TERM 2
This is what really happened last 27sep11 inside the PHILIPPINE AIRLINES’ hub : NAIA Terminal 2. Hundreds of employees “forcibly” evicted from workplace despite of willingness to perform their functions but unable to do so because their codes to access the system “miraculously” disappeared. This people have been in service for PAL and dedicated years of their life for the riding public and for the company and this is how they got repaid. Management could have easily gave back the employees their codes to access the system and allowed them to perform their jobs but opted to disperse them saying that it is a form of “illegal strike”. May pagmamalasakit po sa trabaho at mga taong pinagsisilbihan ang mga ground workers ng PAL. Hindi po sila basta-basta titigil sa trabaho ng walang sapat na dahilan lalo na at bumabagyo ng araw na iyon. Kung puro media lang ang pakikinggan at hindi isasaalang-alang ang punto ng mga taong sangkot eh wag na lang po magsalita. Hindi lang po ang mga pasahero ang naabala at nahirapan, mas hirap po at kaawa-awa ang sinapit at sasapitin ng mga empleyado at kanilang mga pamilya sa pagkawala ng kanilang regular at minahal na trabaho.Tama namang imahe ng Pilipinas ay dapat pangalagaan at dahil sa nangyaring ito sa terminal ng “flag carrier” ng bansa maaaring nadungisan ito ng kaunti. Pero para sa mga tumaas ang kilay at nagalit, sana man lang tignan nyo ang totoong nangyari. Ilang taon din ang pasakit sa mga empleyadong ito ng management ng PAL. Ilang taon na ang issue ng outsourcing. pero sa kabila ng pagaalala ng mga empleyado sa seguridad ng kanilang trabaho nakukuha pa din nilang magsilbi sa libolibong pasahero ng may ngiti sa labi. Pinaghirapan nila kung nasaan sila, hindi biro ang training na pinagdaanan nila, literal na dugo, pawis, at buhay ang binigay ng mga maliliit na empleyadong ito ngunit sa bandang huli hindi pa din sila nirespeto at binigyan ng halaga.Malaki ang mawawala sa kompanya ng PAL sa pagalis sa mga empleyadong ito. Hindi nabibili ang puso,dedikasyon at malasakit sa trabaho. Ito ay kusang binibigay kapalit ng respeto at kapantay na malasakit. Maliit lamang kami kung tutuusin pero ang pinaglalaban namin ay kapakanan ng mga susunod na henerasyon ng trabahador na wala nang makukuhang regular na trabaho dahil sa resulta ng desisyong ito ng gobyerno at ng flag carrier ng bansa ngayon. Imahe ng Pilipinas ay mahalaga, alam ko yan bilang gradweyt ng kursong Turismo sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit mas natutunan ko na dapat unang pinangangalagaan ang pinakamahalagang resources ng isang bansa;ang mga tunay na pilipinong payak man sa ibang bagay ngunit mayaman naman sa pagpapahalaga sa pamilya, trabaho at kalikasan. Dahil pag ang ilang yan ay nawala, wala ring imahe ng bansa na maipagmamalaki ang Pilipinas.